Tuesday, April 29, 2014

Hindi pa kayo nagbbreak, may kapalit ka na kagad.

Yung mga taong hindi pa nga kayo nagbbreak, may ipinalit na kagad sayo. Nakakabwisit yang mga ganyan. Yung feeling na ikaw nakakapit pa, tapos yun pala siya bumitaw na. Ang masaklap pa neto, may karga na kagad siyang iba. Hindi pa man din official ang break up mo, tapos magugulat ka nalang may iba na pala siya. Ayos no?
Sa totoo lang, hindi mo alam kung kanino ka ba mabbwisit. Dun ba sa taong mahal mo o dun sa bago niya. Depende din kase sa sitwasyon yun eh. Paano pala kung hindi naman alam ng bago niya na kayo pa pala? Paano kung katulad mo din siya na biktima ng hinayupak mong boyfriend? Sinabi sa kanya na single daw siya blah blah, tapos mismong yung bago niya din magugulat kase may isa pang girlfriend na inaaway siya dahil inagawan daw siya. Ang labo no? Magulo talaga. Hahaha.
Yang mga lalaking ganyan, hindi ko din ba alam kung saan nila nakukuha yang lakas ng loob nila para ganyanin yung mga taong nagmamahal sa kanila. Yung taong andyan lagi para sa kanila. Yung taong handa siyang ipaglaban kahit na hindi niya alam kung mayroon ba talaga siyang pinaglalaban.
Ang nakakabwisit pa na part dito, pag tinanong mo yung boyfriend, ehem correction.. yang malandi mong EX (EX kase break na nga kayo diba? Pero di mo alam. Hahaha!) kung mahal na ba niya yung isa, ang isasagot pa sayo. “EWAN KO, SIGURO.” Ayos na ayos! Hindi lang isang matinding saksak sa puso ang ginawa sayo. Para kang unti unting tinutunaw jan sa pwesto mo. Na-combo ka pre. Jan lalabas yung salitang, “Bigti na friend!” Hahahahahahaha.
Sa totoo lang, alam ko yung pakiramdam ng ipagpalit ka sa iba habang kayo pa nung bf mo. Ako na nga yung girlfriend, ako pa aagaw dun sa pangalawa? Ayos diba? Saan ka naman nakakita ng ganun? Kagaguhan.
Yang mga lalaki na yan, ang hilig ng reserba. Hindi ko din alam sa kanila kung instinct na ba nila yun na magbbreak sila nung girlfriend niya kaya kailangan na niya ng bago. Akala mo mga mauubusan ang mga mokong. Tsktsk! Haaaaaay

No comments:

Post a Comment