Marami satin naghahangad ng isang masayang relasyon na may masayang pundasyon. Lalo na sa mga sitwasyon na ang bestfriend mo, ang matalik mong kaibigan sa mahabang panahon ay ang iyong karelasyon sa presenteng pagkakataon ngayon.
Meron naman satin dahil sa barkada kaya kayo nagkakilala. Yung iba naman aksidente lang at hindi nila talaga mismo inaasahan na darating sila sa pagkakataon na sila’y makakabuo bg isang relasyon, yung iba naman dati di nila inaakala na magiging sila kasi simulampalang sa isa’t-isa wala ng pag-asa dahil nga sa ayaw nila sa bawat isa pero tignan mo nga naman ang pagkakataon sa dinami-dami ng tao sa mundo ang taong di mo naman inaakala, hindi mo naman inaasahan, hindi mo naman pinapangrap, o sabihin na nating matagak mo ng hinahanggad, matagal mo ng hinihiling at tila para isang pikit mata nasa sitwasyon na kayo na mahal niyo ang isa’t-isa.
Pero kung ano man at kung paano man kayo nakatagpo ng lalaki o babaeng minamahal mo ngayon, saludo ako sayo, sainyo dahil nanatili parin kayong matatag at masaya at syempre nagmamahalan pero alam mo ba dapat ilevel up niyo ang turing sa isa’t-sa parang ganito.
Masarap magkaroon ng isang relasyon na hindi lang basta kasintahan ang turingan sa bwat isa. Kung di isang tunay na magkaugnay, isang matalik na kaibigan, mapagkakatiwalaang parte ng buhay at isang taong masasabi mong panghabang buhay.
Sabi nila ang relasyon daw na ang puro turingan sa isa’t-isa ang responsibilidad bilang isang kasintahan ay may mas malaking posibilidad na madaling magkahiwalay bakit kamo? Kasi syempre may higher ang expectation niyo sa bawat isa, magkakahiyaan na mag open up sa bawat suliranin, mga bagay na pwedeng ikahiya pa katulad ng tunay na ugali kasi nga baka maturn off si boyfie, o baka mairita si girlfie kapag nalaman niya na ayoko pala sa mga bagay na gusto niya. Gets mo ba? Diba nga ang relasyon na parang straight line lang walang patutunguhan kung di isang linya lang para bang hindi na mold naging go with the flow lang sa sitwasyon.
Pero sabi nila ang relasyon parang ganito. Hindi lang basta magkasintahan pero isang tulay pusod sa bawat isa. Ano ba yung tulay pusod? Yung relasyon masasabi mong hindi lang basta girlfriend boyfriend, kung di isang matalik na mag kaibigan. Mag bestfriend, loyal, may tiwala, may responsibilidad, may dignidad, may foundation at masasabing hindi kailangan ng seryoso sa lahat ng bagay yung all in one. Hindi lang basta pang the best man ang magagampanan niya sa buhay mo kung di isang matapat na taga suporta sa bawat araw ng yung buhay.
Naniniwala kasi ako na ang magbestfriend at ang magkasintahan ay may pagkakaiba pagdating sa pagtuturingan, pakikisama sa bawat isa, sabi nga nila mas espesyal daw ang magkasintahan yung iba naman, mas naman yung magbestfriend, pero pab0gbulayan mo ito, kung ipagsama ang dalawa eh di mas maespesyal.
No comments:
Post a Comment