Naranasan mo na ba yung dumating ka sa puntong pati sarili mo, kinakaawaan mo na? Naaawa ka sa sarili mo kasi pakiramdam mo, durog na durog ka na. Yung hindi mo na alam kung kanino ka kakapit. HIndi mo na alam kung pano ka babangon. Naaawa ka na sa sarili mo kasi ang sakit sakit na. Siguro kung titignan mo yung sarili mo, para kang papel na nilukot. At kahit na alam mong papel parin yon, hinding hindi na maibabalik sa kung ano ito dati. May marka na. Puro ka nalang iyak, palagi ka nalang malungkot, gusto mo nagiisa ka nalang. Hinding hindi na ikaw yung dati na palaging nakikita ng mga tao na masaya. Maiisip mo nalang na, “Tama na, sobra na eh." Palagi mo nalang nadadatnan yung sarili mo na nakatulala. Palagi ka nalang wala sa sarili mo. Namimiss mo na yung mundo mo noon kumpara sa mundong sinentro mo lang sa iisang tao. Namimiss mo na yung mga taong nakapaligid sayo. Yung mga taong nandiyan nung wala pa siya. Tama na, nasobrahan ka na sa pagiging tanga. Bumangon ka na diyan kasi marami pang naghihintay sayo sa pagbabalik mo. At kung namimiss mo na yung dating ikaw, paniguradong namimiss ka na rin niya.
No comments:
Post a Comment