Wednesday, April 30, 2014

Minsan hindi natin maiwasang makaramdam ng takot kapag nagmamahal tayo.

escafeism:

Minsan hindi natin maiwasang makaramdam ng takot kapag nagmamahal tayo.Dahil tao lamang naman tayo at kung minsan ay nakakapag-isip tayo ng sobra-sobra,dumadating tayo sa puntong nakakaramdam tayo ng takot dahil sa pagmamahal natin sa isang tao,nandyan yung takot na baka masaktan tayo o yung takot na baka kulang pa rin ang pagmamahal na ibinibigay natin sa kanila.
Dahil sa mga nakaraan natin - mga nakaraan kung saan tayo ay nasaktan ng sobra, di natin maiwasang mag-isip na baka maulit uli ito sa atin o baka katulad lamang din ng nakaraan mo ang taong minamahal mo ngayon. Di mo maiwasang mag-alangan at magdalawang isip. Hindi naman natin maiiwasang maramdaman yun dahil ang gusto lamang naman nating mangyari ay magmahal tayo ng hindi nasasaktan. Pero hangga’t nagmamahal ka, dapat mong tandaan na dapat handa ka ring masaktan dahil hindi mo maituturing ang sarili mo na tunay na nagmamahal kung ayaw mong masaktan. Ganun lang yun, dapat marunong kang magsakripisyo para sa taong mahal mo.
Minsan naman ay di natin maiwasang mag-isip na baka kulang pa din ang pagmamahal na ibinibigay o ipinaparamdam natin sa taong mahal natin. May mga pangyayari talaga na dahil sa sobrang pag-iisip e masasabi mo sa sarili mo na baka kulang pa. Gusto kasi natin na labis ang pagmamahal natin na ipinaparamdam sa mga mahal natin para hindi sila mawala sa atin o para hindi sila magmahal ng iba at magsawa.
Pero kahit ano pa man yang nararamdaman mo, magtiwala ka lang. Hindi mo kelangan mag-isip ng sobra o ma-paranoid. Hangga’t alam mo sa sarili mo na nagmamahal ka ng tama,sapat na yun. 

Dahil tao lamang naman tayo at kung minsan ay nakakapag-isip tayo ng sobra-sobra,dumadating tayo sa puntong nakakaramdam tayo ng takot dahil sa pagmamahal natin sa isang tao,nandyan yung takot na baka masaktan tayo o yung takot na baka kulang pa rin ang pagmamahal na ibinibigay natin sa kanila.

Dahil sa mga nakaraan natin - mga nakaraan kung saan tayo ay nasaktan ng sobra, di natin maiwasang mag-isip na baka maulit uli ito sa atin o baka katulad lamang din ng nakaraan mo ang taong minamahal mo ngayon. Di mo maiwasang mag-alangan at magdalawang isip. Hindi naman natin maiiwasang maramdaman yun dahil ang gusto lamang naman nating mangyari ay magmahal tayo ng hindi nasasaktan. Pero hangga’t nagmamahal ka, dapat mong tandaan na dapat handa ka ring masaktan dahil hindi mo maituturing ang sarili mo na tunay na nagmamahal kung ayaw mong masaktan. Ganun lang yun, dapat marunong kang magsakripisyo para sa taong mahal mo.

Minsan naman ay di natin maiwasang mag-isip na baka kulang pa din ang pagmamahal na ibinibigay o ipinaparamdam natin sa taong mahal natin. May mga pangyayari talaga na dahil sa sobrang pag-iisip e masasabi mo sa sarili mo na baka kulang pa. Gusto kasi natin na labis ang pagmamahal natin na ipinaparamdam sa mga mahal natin para hindi sila mawala sa atin o para hindi sila magmahal ng iba at magsawa.

Pero kahit ano pa man yang nararamdaman mo, magtiwala ka lang. Hindi mo kelangan mag-isip ng sobra o ma-paranoid. Hangga’t alam mo sa sarili mo na nagmamahal ka ng tama,sapat na yun. 

No comments:

Post a Comment