Thursday, May 29, 2014



  • ”Iingatan kita”

Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya, maingatan ka lang. Hindi kita pababayaan o iiwanan, lalo na sa mga oras na kinakailangan mo ako. Hindi ko rin hahayaan na masaktan ka ng ibang tao. At kung dumating man ang puntong masaktan kita ng hindi sinasadya, ipaparamdam ko sayo kung gaano kita kamahal.
  • ”Poprotektahan kita..”

Dito ka lang sa tabi ko. Poprotektahan kita ng buong buo. Hindi ko man maipapangakong palagi akong nandyan sayong tabi, asahan mo na hindi ko hahayaang masaktan ka ng ibang tao. Alam mo ba, na sa tuwing nakikita kitang umiiyak o masama ang loob, ako ang higit nasasaktan at naaapektuhan dahil nakikita kita, ang taong pinakamamahal ko na nasasaktan at nagdaramdam. Pakiramdam ko tuloy, hindi ko nagawa ang tungkulin kong protektahan ka. Pero wag kang mag alala, kapag naulit muli ito, ako mismo ang makakaharap nila. Kaibigan mo man sila o hindi, ako ang higit na kalaban nila. Pero sisiguraduhin ko na bago ka pa nila masaktan, nandito na ko sa tabi mo at hawak hawak ko na ang mga kamay mo. Shhhhh. Shhh. Wag ka ng mag-alala at umiyak ha, mahal ko? Nandito lang ako.
  • ”Mamahalin kita.”

Ayaw kong magsabi ng kahit na anong pangako, dahil iba pa rin kung ipaparamdam ko sayo ang lahat sa pamamagitan ng aksyon. Ayaw kong makita kang nasasaktan kung sakaling mangako ako sayo at hindi ko man matupad. Hindi kasi ako yun tipo ng taong namumuhay sa pangako ng ibang tao. Dahil alam ko ang pakiramdam ng mabigo. Hindi ako magsasalita ng mga bagay na hindi ako sigurado, dahil ayaw kong may panghawakan ka at kung sakaling hindi matupad, masaktan kita ng hindi sadya at mauwi lamang sa wala ang lahat. Pero isa lang ang masasabi ko sayo, mahal na mahal kita at mamahalin pa kita sa abot ng makakaya ko. Wag kang mag alala at wag mong iisipin ang sasabihin ng iba. Iingatan, poprotektahan at mamahalin kita sa paraang alam ko.

No comments:

Post a Comment