Kapag mahal mo ang isang tao, natututo kang mahanap ang kaligayahan sa mga simpleng bagay. Minsan makasama mo lang ang taong mahal mo, tuwang tuwa ka na. Yung ordinaryong araw bigla na lang nagiging espesyal. May mga pagkakataon rin na wala naman siyang ginagawang nakakakilig, kinikilig ka parin. Minsan pa nga abot langit na ang ngiti mo, tumitig ka lang sa kanya. Ang labo ‘di ba? Siguro nga kapag nag mamahal tayo, may mga bagay na sadyang hindi madaling ipaliwanag. Hindi naman kasi kailangan na laging may malaking rason para masabi mong masaya ka. Malaman at maramdaman mo lang na andiyan siya para sayo palagi, sobrang sarap na nun sa pakiramdam. Na sa tuwing maiisip mo kung gaano ka kaswerte sa kanya, feeling mo na sa langit ka na sa tuwing kasama mo siya. Heaven talaga ang pakiramdam at wala ka nang ibang alam gawin kundi ang mangiti at maging masaya lang.
Sobrang hiwaga ng pag ibig, yung mga maliliit at simpleng bagay mas lalo pa nitong binibigyang halaga. Totoo naman din yung kasabihan na wala sa materyal na bagay yan. Kahit gaano kaliit na effort, effort parin kung tutuusin. Walang maliit o malaking effort dahil kapag mahal ka talaga niya maa-appreciate niya yun gaano man ito kaliit o kalaki. Isa pa, lahat naman ng imperfections ginagawang perfect ng pag ibig. Hindi man perfect, katanggap tanggap parin naman. Parang concealer lang yan na tinatakpan ang mga pimples, blemishes at kung ano ano pang pangit para lumitaw talaga yung kagandahan. Ang kaibihan lang din naman sa pag ibig, kung tunay na pag ibig talaga ‘yan hindi na kailangan pang takpan ang mga pangit dahil halos wala ka nang mapapansin pang kapangitan. Pangit man o maganda, lahat ng ‘yon tatanggapin mo sa taong mahal mo. Kahit pa ilang beses ka na dapat na turn off sa kanya, mas mangingibabaw parin ang pag mamahal mo para sa taong iyon.
No comments:
Post a Comment