Thursday, May 22, 2014

"Para sa mga taong nasasaktan ngayon dahil sa pag-ibig.."





Kaya mo yan. Sa una lang naman masakit eh. Sobrang naging masaya ka nung dumating siya sa buhay mo kaya ngayong wala na siya ganun din katindi yung sakit na nararamdaman mo. Hindi mo maintindihan kung saan ka nagkulang, kung saan ka nagkamali, binigay mo naman sa kanya ang lahat pero nakuha niya pading iwanan ka para hanapin yung kulang sa ibang tao. Ganun kasi talaga, kung hindi kayo ang para sa isa’t isa, magkakahiwalay talaga kayo. Magpasalamat ka nalang na minsan may taong dumating sa buhay mo para pasayahin ka, hindi man kayo umabot sa finish line, at least naging masaya naman kayo nung kayo pa. Ngayon na wala na siya sa buhay mo, dapat ipagpatuloy mo padin ang buhay, nakaya mo naman dati na maging masaya kahit wala siya, kaya dapat kayahin mo din ngayon. Ayusin mo yung buhay mo, ayusin mo yung sarili mo! Hindi para sa kanya para balikan ka niya, pero para sa sarili mo. Ikaw lang din yung makakatulong sa sarili mo para maalis sa kinalalagyan mo ngayon. Hindi magandang manatili sa sakit na dulot ng nakaraan, tanggapin mo yung pagbabagong mangyayari sa buhay mo. Tanggapin mo na wala na talaga siya sa buhay mo. Maging kuntento ka sa kung anong meron ka ngayon. Isang tao lang naman yung umalis sa buhay mo eh. Madami pading nagmamahal sayo. Tsaka darating din yung araw na may taong magmamahal sayo, higit pa sa pagmamahal na binigay ng mga naging ex mo.

No comments:

Post a Comment