Kung alam mo lang, araw araw kitang namimiss. Yung boses mo, the way na makipag-usap ka sa’kin, yung tawa mo na ang sarap pakinggan, yung mga ngiti mong puro na nagagawa din akong pangitiin. Namimiss ko na yung araw araw tayong nag-uusap at nagbobonding, araw araw tayong nag-aasaran, tinatawanan ang ang mga jokes na binabato natin sa isa’t isa. Namimiss ko na yung mga panahong close pa tayo. Yung mga panahong hindi pwedeng matapos ang araw ng hindi tayo nag-uusap. Yung mga panahong masaya pa tayo. Namimiss ko na yung dati.
Iba na kasi ngayon eh. Biglang naglaho ang lahat sa isang iglap lamang na parang bula. Biglang nagbago ang lahat. Hindi ko alam kung papaano at bakit. Wala na yung araw araw tayong nagtatawanan, nag-aasaran, nagbabatuhan ng jokes sa isa’t isa… wala na. Bigla tayong naging parang strangers nalang sa isa’t isa. Ang awkward na kapag nagkakasalubong tayo, magkatabi tayo, o kapag tayo lang dalawa. Minsan naiisip ko, ano ba ang naging problema? Ako ba? Ano bang nagawa kong masama? Bigla nalang naging cold ang lahat. Natatakot naman akong i-approach ka at tanungin kung anong nangyari sa’tin at bigla nalang naging ganito, natatakot ako… natatakot akong mareject. Natatakot akong baka iwasan mo ang tanong ko, natatakot akong lumayo ka, natatakot akong hindi mo pansinin ang tanong ko, na hindi mo sagutin, natatakot ako sa maaaring sagot mo. Hindi ko alam, ang hirap. Ikaw rin kaya ganito ang nararamdaman? Kasi ako? Oo, araw araw. Lagi kitang pinagmamasdan mula sa malayo, iniisip kung anong nangyari sa’tin. Sa totoo lang, naguguluhan na ako sa ganitong sitwasyon, gulong gulo na ako, sana naman bigyan mo ng kaliwanagan ang lahat ng hindi na ako mahirapan ng ganito. Sana kausapin mo na ako at sabihin kung ano ba talaga ang nangyayari. Sana naiisip mo rin na nahihirapan din ako sa ganito. Miss na kita. Ikaw ba?
No comments:
Post a Comment