Saturday, May 24, 2014



May mga relasyon na akala mo forever na talaga. Na hinding hindi masisira ng sinuman. Kumbaga ito ay kasingtibay ng isangdaang porsyentong lakas ni Taguro. Pero kahit gaano pa kasingtibay yan, mawawasak at mawawasak yan. When someone walks out of your life, let them. There’s no use in wasting your time on people that leave you.

Minsan kasi medyo madaya ang pagkakataon, kung kailan mahal na mahal mo na siya tsaka ka na lang biglang iiwan na nasasaktan at luhaan. Kung kailan tanggap mo na kasingperpekto ng love story nina Lenard at Cinderella ang love story niyong dalawa tsaka ka na lang niya iiwan ng ganun ganun na lang. Masakit pero kailangan mong tanggapin. Wala kasing ibang mas makakabuting paraan kundi tanggapin sa sarili mo na wala na talaga. 

Isa na siguro ang pagmo-moveon sa pinakamahirap na desisyon na kailangan mong gawin after ng break-up. Nariyan yung hindi mo alam kung isusuko mo na lang siya ng ganun ganun na lang kahit alam mong magmumukha ka ng tanga at kawawa kung ipaglalaban mo pa siya. Ramdam mo at damang-dama mo na kasi talaga na balewala ka na sakanya. Yung darating pa sa tyempong sobrang magpapaka-emo ka na. Kulang na lang eh maglaslas ka at magpakamatay dahil iniwan ka niya. Yung hindi ka kakain at di ka makatulog. Sa lahat kasi ng oras, pumapasok siya sa isipan mo. Minsan pa naiisip mo na lang na sana may majika ka, para makagawa ka ng gayuma na ipapainom mo sakanya para bumalik ulit yung nararamdaman niya sa’yo. Yung handa ka ng bilhin yung Time Machine nina Nobita at Doraemon para bumalik ka sa mga oras at panahong masaya pa kayo at mahal na mahal ka pa niya. Yung pwede mo ng pantayan ang mga bayani ng Pilipinas sa sobrang kamartiran mo. But you need to realize that he doesn’t care anymore. Kasi wala eh. WALA NA TALAGA. HINDI KA NA NIYA MAHAL AT WALA NA KAYO. 

Minsan ba naiisip mo, tama nga kayang magpakamartir at magpakatanga ka sakanya habang siya naman eh sobrang saya sa iba? Tama nga kayang mahalin mo pa rin siya kahit binabalewala ka na niya ng sobra?

Sa sobrang pagkamartir at pagkatanga ng isang tao sa isang relasyon, lahat ng yan hindi na pumapasok sa isipan nila. Kesyo mahal na mahal niya kaya dapat lang siyang magpakatanga. Kesyo gagawin niya lahat maging sila ulit. Kesyo tatanggapin niyang maging kabit, maging sila lang ulit. Kesyo gusto daw niyang magmoveon pero palagi pa ring silip ng silip sa Timeline ng EX niya. Yung naggi-GM daw pero kay EX lang pala sinend. Yung wrong send daw siya pero sinadya pala niya. Alam mo kung anong tawag sayo? DAKILANG MARTIR AT TANGA.

It seems like every time we catch ourselves in a situation that involves lost love, that urgent and hopeless feeling of loss and helplessness takes over, and we need something to help us deal with a breakup. Bakit hindi mo subukang magmove-on? Madali lang yan. Kaya mo yan. Friends can help, eating maybe, movies, music, etc. Lots of small things can help us deal with a break up, but one thing that can help almost everyone in a break up is a good advice.

-BURAHIN MO ANG CELLPHONE NUMBER NIYA. May mga tao kasi na ang hilig magsend ng GM sa mga EX nila, pero ang totoo, hindi naman totoong GM yun. Kasi sa iisang tao lang niya sinend. Iwasan mo yung mga ganung gawain ate at kuya. Mukha ka lang ewan. Pramis. Tapos mamaya masasaktan ka, kasi hindi niya papansin yung GM mo. Tapos iiyak iiyak ka kasi nasaktan ka na naman. Sinong may kasalanan? Diba ikaw? Gaga ka kasi eh.

-IWASANG BISITAHIN YUNG FACEBOOK ACCT NIYA AT MAGLA-LIKE AT COMMENT NG KUNG ANU-ANO. Kadalasan ng may gawain nito eh mga babae. Pupunta sa account ni ex, maglalike ng picture at status. Tapos kapag may nakitang status at picture na about sa bagong relationship ni ex, magdadrama. Tapos sasabihin nasasaktan na naman siya. Sinong may kasalanan? Walang iba kundi ikaw. 

-IWASAN, BURAHIN AT ITAGO LAHAT NG BAGAY NA MAKAPAGPAPA-ALALA SA INYONG DALAWA. Stuffed toys? Love letters? Sweet SMS? Lahat ng yan iwasan, itago at kung maari eh burahin mo. Hindi naman kasi talaga maiwasang aalalahanin mo siya sa pamamagitan ng mga yan. Pero diba ng sabi mo magmomove-on ka na? Kaya kung maari gawin mo kung ano ang dapat.

-IPAKITA MO SAKANYA NA HINDI KA NAAPEKTUHAN. Ipakita mo sakanya na wala lang lahat ng yan. Na kaya mo kahit wala na siya. Na hindi ka nasasaktan. Kadalasan kasi kapag pinapakita natin na nangungulila at nasasaktan tayo mas lalo nila tayong inaabuso. Nariyan yung gagawa sila ng paraan para mas lalo kang saktan. Kung nagawa mo mang ipakita sa kanya noon na nasasaktan ka baguhin mo na ngayon. Kasi minsan jan nagsisimula ang pagmomoveon. Masasanay ka na lang na binabalewala lahat ng ginagawa niya.. At pag naglaon, wala na lang para sayo.

-MARAMI PANG IBANG PARAAN PARA MAGMOVE-ON. Hindi lang yung mga nabanggit ko. Sometimes you just have to erase the messages, delete the numbers and move on. You don’t have to forget who that person was to you; only accept that they aren’t that person anymore. Pero isa lang talaga ang makakatulong sayo para makatakas ka sa stage na yan, alam mo kung sino? SARILI MO MISMO. Hindi mo kasi magagawa lahat ng yan kung sarili mo mismo ayaw sumunod. Oo alam ko, mahirap. Pero sa una lang yan.. Kapag dumating na sa puntong nalagpasan mo na lahat ng yan at maisisigaw mo na sa lahat ng nakapagmoveon ka na, walang katumbas na kasiyahan ang mararamdaman mo. PANGAKO YAN. Yung feeling mo nakatakas ka sa bangungot ng nakaraan. At sa bandang huli lahat ng pag-iinarte, pagka-emo, pag-iiyak, pagtangkang magbigti at maglaslas lahat ng yan tatawanan mo na lang. 

When he breaks your heart, he feels nothing. He moves on quickly.. Like nothing happened. You feel as if a piece of you is missing. You can’t eat. You can’t sleep. All you do is think about him. Wondering if he’s thinking of you. Wondering if he ever misses you. You’re depressed for weeks, months, sometimes longer. But then you realize what’s important in life. And you decide that you need to worry about yourself. You soon move on… And he’s stuck watching you smile. And realizes.. He messed up. He’ll regret everything. 

MOVE ON. CHEER UP! Madami pa jang mas nararapat sa pagmamahal na kaya mong ibigay. Maghintay ka lang. Darating din yan. At malay mo anjan lang siya sa tabi tabi, naghihintay lang na pansinin mo. :))

No comments:

Post a Comment