Thursday, May 8, 2014

The other way around; Boy's point of view.



Yung IBANG lalaki, hindi lang sila puro pacool. Hindi lang puro porma. Hindi lang puro bisyo. Minsan may soft side din sila. May mga bagay pa din na nagpapalambot ng puso nila.
Minsan kase, ang isang lalaki, kaya nagloloko, dahil niloko. Oo nga naman, naghintay ka ng ilang taon para sa kanya tapos di ka naman pala sasagutin. MASAKIT sa kanila yun. Hindi lang puso nila ang nabasag, naapakan mo na rin ang ego nila.
May lalaki din na akala mo sobrang astig niya. Pero pag siya na lang mag-isa, sobrang ang daming iniisip niyan. Sobrang dami ding bumabagabag sa kanya.
May mga lalaking totoong magmahal. (kaso endangered na sila) Yun ang mga lalaking deserve na mahalin. Yung tipong gagawin ang lahat, hindi lang niya masaktan ang damdamin ng mahal niya. Yung kaya niyang maghintay kahit gaano katagal kase mahal ka niya.
Girls, BIHIRA na lang ang lalaking matitino. Yung magmamahal sa inyo ng totoo. Yung hindi kayo lolokohin at gagaguhin. Kapag nakatagpo na kayo, wag niyo na siyang pakawalan ha?

No comments:

Post a Comment