Monday, May 26, 2014

Pano kaya kung mawala ka?



Kahit minsan yung ugali mo hindi ko maintindihan, Hinding hindi ko magagawang pagsawaang ibigin ka. Kasi sa buhay ko, ikaw yung nagsisilbi kong lakas.  Siguro kung mawawala ka sa buhay ko, baka di ko na kayaning kumain at maging tulala nalang. Alam mo bang ang paglisan mo ang maaaring maging dahilan ng pagkabuang ng buong pagkatao ko? baka lahat ng turnilyo sa katawan ko bigla nalang lumuwang.


Sa mundong ito, kung wala ka para na ring akong walang silbi. Kahit magtagumpay man ako sa buhay, kung wala ka rin gabi gabi akong malulumbay. Kahit sumikat man ako o kaya yumaman, di ko rin maeenjoy kasi wala ka naman. Ayoko na gumalaw kung aalis ka. Baka mas gustuhin ko pang umanib nalang sa mga tulisan. Kung mawawala ka di ko na alam kung san ako lulugar. Para sakin wala ng kwenta ang lahat. Baka imbis na lumuhod, gumapang pa ako sa simbahan para lang ipagdasal na sana bumalik ka na.


Kung mawawala ka, pakiramdan ko di ko kayang mabuhay ng magisa. Ang gusto ko lang naman ay ibigin ka. Kasi sa mundong ito, ikaw lang ang kaya kong mahalin.

No comments:

Post a Comment