Wednesday, May 21, 2014

Kung mahal mo, hindi mo hahayaang mawala siya sayo



Kung minsan ang tanging paraan na nai-isp natin ay ang umayaw at sumuko na lang kahit pa sa loob-loob natin, ayaw naman talaga nating bumitaw. Akala kasi natin, ayaw na sa atin ng mga taong mahal natin. Akala natin, hindi na nila tayo mahal pero minsan na isip ba natin na baka nga naman mali tayo ng akala? Susuko na lang ba tayo at hahayaang mawala ang mga mahal natin dahil lang sa maling akala?
Kung tutuusin may mga pang kakataon kasi na ‘di mo alam ikaw lang pala ang inaantay niya. Inaantay ka niya na ipaglaban mo siya. Malay mo ang tanging gusto niya lang ay marinig mula sayo na ayaw mo siyang mawala sa buhay mo. Kaya sana wag muna tayong sumuko agad lalo na kung hindi mismo natin narinig sa mga mahal natin na ayaw na nila ipag patuloy pa. Minsan tanging lakas ng loob lang ang kailangan natin. Lakas na loob para ipag laban ang pag mamahal natin at para isalba ang kung ano pa ang meron. Kasi kung talagang mahal natin sila, hindi option ang sumuko na lang agad. Wag tayong basta-basta mag-relay sa mga akala. Makinig tayo sa kung ano ang sinasabi ng mga puso natin at hangga’t may pag kakataon pa, gumawa na tayo ng paraan para wag silang tuluyang mawala sa atin.

No comments:

Post a Comment