Saturday, May 24, 2014



Wag mong ibigay ang lahat. 

Magtira ka para sa sarili mo. Kahit pa sabihin nating mahal na mahal nyo ang isa’t-isa ngayon, wala pa ring kasiguraduhan kung hanggang kailan kayo. Wag mong kalimutan ang sarili mo. Magbigay ka lang ng sapat at kung ano ang dapat mong ibigay, hindi yung binibigay mo ang lahat hanggang sa wala nang natira para sayo.

Maging handa ka. 

Kasabay ng pagtanggap mo sa love ang pagtanggap mo sa sakit. Kasi minsan sa pag-ibig, mas marami pa ang sakit kaysa sa saya. Parang gulong lang din yan. Minsan sobrang saya nyo minsan naman iiyak kayo. Kaya maging open ka sa lahat ng pwedeng mangyari.

Maging loyal ka. 

Total nagmahal ka na, dun ka na sa isa. Wag kang mangolekta. Hindi yan paramihan. Iparamdam mong sya lang at wala nang iba. Pag pumasok ka na sa relasyon, dapat committed ka na talaga. Stick to one kumbaga.

Wag mong kalimutan ang mga kaibigan mo. 

At the end of the day, sila pa rin yung lalapit sayo pag iniwan ka. Hindi porke’t may syota ka, kakalimutan mo na yung iba. Kasi pag may problema kayo ng syota mo, kaibigan pa rin yung hahanapin mo.

Maging tapat ka. 

Sabihin mo lahat sa kanya. Wag kang magsikreto ng kahit na ano. Minsan kasi yan ang pagmumulan ng away. Pag may problema ka, sabihin mo. Pag may gusto ka, sabihin mo.

Panatilihin mo ang spark. 

Pagnagmahal, hindi yan laro na habang tumatagal, napapagod at kalauna’y ihihinto. Panatilihin mo yung sigla ng pagmamahalan nyo. Siguraduhin mong masaya pa rin kayo sa paglipas ng ilang linggo, buwan, o taon. Wag tanggalin ang komunikasyon. Pero nyong masyadong dalasan. Yung sakto lang na nakakapagusap. Baka kasi magkasawaan.

Wag kang masyadong mahigpit. 

Tao ka! Hindi ka tali! Wag mo syang tanggalan ng karapatang gumalaw at gawin yung gusto nya. Wag kang masyadong mahigpit. Magtiwala ka sa kanya. Hindi ka nyan iiwan kung mahal ka talaga.

Wag patagalin ang away. 

Lunukin mo ang pride na yan! Mapabareta man o powder, di mo yan kailangan. Wag mong hayaang matapos ang araw na may tampuhan kayo. Mahal mo dba? Pwes magbati kayo! Wag nyo nang hintayin kung sino gagawa ng first move para makapagsorry. Common sense na yun!

No comments:

Post a Comment