Thursday, May 22, 2014





Susuko ka na ba? Sa isang relasyon natural lang ang mga away. Normal lang na magtalo lalo pa’t araw araw nakakdiskubre kayo ng mga bagay tungkol sa partner mo. Kaya dapat huwag niyo agad sukuan ang isa’t isa. Kung wala ka pa namang ginagawa para maayos yung relasyon niyo, hindi ka pa pwedeng sumuko. Oo, masakit na. Pero paano niyo malalaman na pwede pa pala maayos yung relasyon niyo kung hindi niyo naman susubukan? Kailangan niyo magsakripisyo at magpakatatag para sa isa’t isa. Hindi kasi madali yung daan patungo sa “forever” kaya kailangan niyo ang isa’t isa para pagaanin yung mga problemang sasalubong sa inyo sa daan. Kaya kapit lang. Makakarating din kayo sa happily ever after niyo.

No comments:

Post a Comment