Saturday, May 24, 2014



Gusto ko lagi kitang kasama. Kapag kasama kita nakakalimutan ko yung mga problema ko. Palagi mo akong pinapatawa. Kung anu ano nalang yung pinag-uusapan natin, kahit minsan nonsense na gusto ko pading humaba yung kwentuhan natin. Tsaka yung kakulitan mo, grabe yung impact sa puso ko. Tuwing nagbibitaw ka ng mga joke at banat, tumatalon sa tuwa yung puso ko. Kinikilig ako kapag nakikita ko yung mga ngit sa labi mo. Ang sarap pakinggan yung mga tawa mo. Gusto ko nga kapag magkasama tayo tumigil yung oras para mas matagal pa kitang makasama. Di mo lang talaga alam kung gaano mo pinasaya yung buhay ko, para bang ikaw yung nagdala ng liwanag at mga kulay sa buhay ko. Naging masaya kasi siya simula nung makilala kita.

No comments:

Post a Comment