Minsan dumadating tayo sa puntong wala na tayong nararamdaman.
Wala na ung nararamdaman natin sa mga bagay na nakapalibot satin.
Wala na tayong nararamdaman sa tuwing may nananakit satin.
Nagiging manhid na yung puso natin dahil sa sobrang bigat at sakit na nararamdaman natin. Dahil sanay na tayong masaktan ng paulit ulit.
Minsan naisip ko mabuti na ring maging manhid. Ano pa bang magagawa ko? E paulit ulit nalang akong nasasaktan.
Pinipilit ko tumayo sa aking pagkatumba at hanapin ung mga bagay na magpapasaya sakin pero may pilit na humihila sakin para hindi makabangon.
Kaya mas minabuti ko nalang na wag ko nalang pilitin. Dahil ganon din naman ang mangyayari. Masasaktan lang ulit ako.
No comments:
Post a Comment