Wednesday, May 21, 2014



Ako yung tipo ng babae na hindi mahirap pasayahin. Simpleng jokes lang, tumatawa na. Kahit corny pa, wala akong pakialam basta ako’y natatawa. Hindi rin ako mahirap ligawan. Hindi mo kailangan bumili ng mga mamahaling bagay kasi hindi nabibili o nasusuhulan ng materyal na bagay yung pagmamahal ko. Basta nakita kong may effort at mahal talaga ako, mapapasagot mo na ako. Hindi ako yung tipo ng babae na mapapasagot mo sa text o internet. Gusto ko yung nililigawan ako sa personal. Yung kaya akong ipaglaban sa kahit kanino. Hindi ko kailangan ng lalaking gwapo o mayaman. Basta mabait, mapagmahal at may takot sa diyos ay ayos na. Hindi rin ako mahirap kasama. Kung aayain mo man ako sa isang date, wag kang mag alala kasi hindi mabubutas ang iyong bulsa. Kahit kwek kwek o fishball lang masaya nako. Ako rin yung babae na makakasakay sa trip mo kahit gaano pa ito kagago. Kaya sa lalaking magiging boyfriend ko, eto lang ang masasabi ko. Hindi man ako ang babaeng pinapangarap mo, ako naman ang babaeng kukumpleto ng buhay mo.

No comments:

Post a Comment