Saturday, May 10, 2014



- I like you. 
Gusto kita. Ewan ko ba pero pag nakikita kita, napapangiti ako.
- I miss you. 
Namimiss kita. Hindi ko alam pero palagi kitang hinahanap-hanap.
- I love you
Mahal na pala kita. Hindi ko namalayang nahulog na pala ako sa’yo. Yung kapag kasama kita, pakiramdam ko tayo lang dalawa ang tao sa mundo.
- I need you
Kailangan kita. Masakit para sa akin na hanggang kaibigan lang pala ako para sa’yo. Pero pag wala ka sa tabi ko, parang kulang ako. Sana akin ka na lang. Sana.
- I hate you. 
Akala ko may pag-asa pa pero wala na pala. May mahal kang iba at ako, naiwan ditong nag-iisa. Galit ako sa’yo kasi sobra akong napalapit sa’yo. Andami nating alaalang hindi ko makalimutan. Oo, ako ang may kasalanan. Umasa kasi ako eh. Gusto kong magalit sa’yo para makalimutan kita. “I hate you’, yan ang itinatatak ko sa isip ko pero ikaw pa rin ang tinitibok ng puso ko. Mahirap ito pero kakayanin ko. Sana makaya ko.

No comments:

Post a Comment