- Kakaisip sa kanya.
- Kaka-effort mo pero wala lang sa kanya.
- Kakapansin sa kanya. Dahil hindi ikaw ang center of the eye niya.
- Kakapantasya sa kanya. Kaibigan lang talaga tingin niya sa’yo.
- Kaka-check sa Facebook niya, minu-minuto. Pake mo ba kung may ka-waal post siyang iba?
- Kaka-GM mo sa kanya, dahil kahit i-PM mo siya, busy siya sa katext niya.
- Kakahintay sa kanya sa harap ng school, may kasabay na siyang pauwi.
- Higit sa lahat, ‘wag mong sayangin ang oras mo sa taong hindi ka naman mahal.
Minsan, kahit ibigay mo na ang lahat, kahit gawin mo man ang lahat, kung hindi ka gusto ng isang tao, wala lang para sa kanya ang mga bagay na ‘yun na ginagawa mo. Hindi mo naman kasi mapipilit ‘yung taong ‘yun na mahalin ka, kahit na ba araw-arawin mong lumuhod dyan sa harapan niya. Hindi tamang pagsiksikan natin ang mga sarili natin sa taong umaayaw sa atin. Marunong tayo makuntento kung ano man ang pagta-trato nila sa atin. Kung ayaw ka, desisyon mo na ‘yun na pigilan ‘yang nararamdaman mo o iwasan na lang siya.
'Wag na 'wag mong pagkaaksayahan ng panahon at oras ang mga taong binabalewala ka. Life is short, kaya dapat gawin mo 'yung mga bagay na 'to sa taong mahal ka. Hindi 'yung taong wala ka naman pala para sa kanya. Minsan, hindi nalang natin namamalayan, may taong nalulungkot kung bakit ka ganyan sa taong hindi ka mahal, dahil siya? Andyan palagi sa'yo, hindi ka sasaktan tulad ng ginawa sa'yo ng taong hindi ka mahal. Magmasid ka rin. Hindi mo alam, may nagmamahal pala sa'yo, at sila ang nasasaktan mo. Kailangan din nating bigyan ng pagkakataon ang mga taong nagmamahal sa atin. Dahil hndi lahat ng tao kaya kang mahalin at 'di lahat ng mamahalin mo ay mamahalin ka…
No comments:
Post a Comment