i. Intindihin mo naman ako.
Kahit na minsan lang. Kapag nag-aaway tayo sana inintindi mo kung bakit ako nagkakaganon. Hnidi naman sa lahat ng oras masaya ako. Oo, masaya ako sa piling mo pero hindi mo alam kung ano ang sitwasyon ko sa ibang tao. Kaya kapag nagalit ako at napagbuntunan kita hayaan mo muna ako. Huwag mo na muna akong patulan. Intindihin mo rin ako minsan. Pwede ba?
ii. Lambingin mo naman ako.
Kapag alam mong nagtatampo ako ang ibig sabihin lang nun gusto kong lambingin mo ako. Wala namang masama dun. Hindi naman kita aawayin. Pwede mo akong yakapin, yayakapin rin kita pabalik. Pwede mong tawag twagin ang pangalan ko, sasagot ako. Basta kahit anong paglalambing ang gawin mo. Pwede ba?
iii. Mag-sorry ka naman sa akin.
Kapag alam mong kasalanan mo hindi naman kabawasan sa’yo ang paghingi ng tawad. Partatawarin naman kita eh. Gusto ko lang maintindihan mo na nagkamali ka. Yun lang naman yun. Nasasaktan kasi ako kapag ako na yung nasaktan ako pa yung magsosorry. Sa susunod alamin mo kapag kasalanan mo ha? Pwde ba?
iv. Sabihin mong mahal mo ako.
Kahit araw-araw hindi ako magsasawang pakinggan yun. Yun yung pinanghahawakan ko eh. Kapag narinig ko yun pakiramdam ko hindi mo ako iiwan. Yun yung dahilan kung bakit hindi pa rin ako bumibitaw sa ating dalawa. Patunayan mo rin sana kahit minsan, mas maganda yun. Hindi yung ako lang ng ako. Pwede ba?
v. Samahan mo ako at huwag mo akong iiwan.
Kahit na hindi mo magawa ang lahat ng gusto kong gawin mo basta kahit ito lang magawa mo. Huwag mo akong iiwan. Umulan umaraw gusto ko palagi kitang nakikita. Nagbabantay sa akin. Ikaw lang ang tanging makakaintindi sa akin. Ikaw ang dahilan ng lakas ko. Ikaw yung kasa-kasama ko kapag may peoblema ako. Kaya please lang huwag mo akong iiwan pwede ba?
No comments:
Post a Comment