i. Huwag kayong magbilangan ng efforts.
Yung tipong susumbatan mo siya kasi may hindi siya nagawa samantalang ikaw sa tingin mo lahat ginawa mo na. Pagsisimulan lang yan ng away. Ang effort ay hindi dapat binibilang, dapat magkasya ka na sa mga bagay na nagagawa niya. Minsan kasi hindi mo rin alam yung pinagdaan niya at yung mga sinakripisyo na para gawin yung isang effort para sa’yo. Ang pagmamahal ay hindi tungkol sa padamihan ng effort. Hindi ito contest para sa pagalingan. Nagmamahal ka, natural na lalabas ang effort hindi na kailangan pang hilingin pa.
ii. Sulitin ang bawat oras na magksama kayo.
Hangga’t may oras kayo pilitin niyong palagi kayong magkasama kasi diyan niyo rin makikilala ang bawat isa. Diyan niyo malalaman kung ano ang mga bagay na magkasundo kayo at yung mga bagay na magkasalungat kayo. Ang paglalaaan ng oras ay mahalaga. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon may oras siya sa’yo o kaya may oras ka sa kanya. Wala ring nakakaalam, malay mo paggising mo isang araw magsisi ka na lang kasi pinalagpas mo ang mga pagkakataon na magkasama dapat kayo.
iii. Huwag pairalin ang init ng ulo.
Hindi naman kailangan na makipagtalo ka. Kahit na alam mong nasa tama ka at ipinaglalaban niya na siya ang tama huwag mo ng patulan pa. Walang mananalo sa inyo kung walang isang magpapaawat. Mag sorry ka na lang hindi dahil sa no choice ka na kundi yung yung best way para matigil na ang away niyo. Lalo lang lala kung lalayo ka para lang malaman niyang nagkamali siya. Hindi na kailangang gawin yun. Mas mainam na pag-usapan niyo ng maayos, yung walng sigawan at walang bangayan at sumbatan.
iv. Pag-usapan niyo ang problema ng bawat isa.
Kahit anong problema, kahit na simple man yan o mabigat pag-usapan niyo. Sa huli kasi, kung walang gustong makinig sa problema niyo, kayo rin ang sabay na gagawa ng solusyon diyan. Kayo ang huhugot ng lakas sa bawat isa. Ang problema ng isa ay problema niyong dalawa. Walang iwanan dapat. Mas lalao kayong tatatag sa mga problemang dadating sa relasyon niyong dalawa.
v. Huwag kayong mahihiyang punahin ang pagkakamali ng isa.
Hindi naman porke mahal niyo ang isa’t isa eh lahat ng maling ginagawa ng isa ay okay lang. No, sa isang relasyon hindi dahilan ang freedom para gawin niyo ang gusto niyong gawin kahit na alam niyong may madadamay sa gagawin niyo. Kailangan niyong matutunan ang lahat ng bagay sa wastong paraan. Mas masarap magmahal lalo na’t alam mong wala kayong maling ginagawa.
No comments:
Post a Comment