Tuesday, May 6, 2014

Bumalik ka na, naghihintay pa rin ako..






























Pwede bang kalimutan na lang natin ang mga nangyari? Pwede bang ibaon na lang natin ang lahat ng masasamang bagay na sumira sa atin noon? Bumalik ka na sa akin, pangako hindi ka na masasaktan pang muli. Gagawin ko na ang lahat, pipilitin kong punan lahat ng mga pagkukulang ko noon. Kaya please? Pwede bang tayo na lang ulit? Kasi naman mahal na mahal pa rin kita hanggang nagyon, nahihirapan akong tangapin na wala ka na sa buhay ko. At ayoko ng ganito, guso kitang makasama, gusto kong pasayahin ka.Pwede mob a akong bigyan ng isa pang pagkakataon? Pagkakataon na ituwid lahat ng mali kong nagawa noon. Pag hindi ko nagawa ang lahat ng yon, sige tatanggapin ko na hindi talaga tayo para sa isa’t isa. Tatanggapin kong hindi lahat ng bagay na gusto ko at kailangan ko mapupunta sa akin. Pero kung hindi ka man bumalik, tandaan mong mahal na mahal pa rin kita, masakit man pero kailangan kong tiisin ang lahat para makalimutan ka at sumayang muli. Sa ngayon, maghihintay pa rin ako na baka sakaling balikan mo ako, hindi ako mawawalan ng pag-asa. Hindi.

No comments:

Post a Comment