Tuesday, May 6, 2014

IF I COULD JUST HUG YOU FOREVER. :(


Habang yakap yakap kita maraming tumakbo at pumasok sa isipan ko. Unang una, masaya ako kasi magkayakap tayo. Hindi ko inaasahan na darating ‘to sa buhay ko na magkakaroon ako ng pagkakataon na mayakap ka. Noon kasi lapitan nga lang kita napakahirap na.. yun pa kayang mayakap ka? Pangalawa, naisip ko na dahil unang beses ‘to na nayakap kita at baka maging huli na, kukunin ko na ang pagkakataon na ito para mayakap ka ng mahigpit… mahigpit na mahigpit. Gusto kong ramdamin yung init ng katawan mo.. yung mga braso mo na nakalapat sa katawan ko. Gusto kong ramdamin ang pagtibok ng puso mo. Pangatlo, naisip ko na iba pala ang pakiramdam kapag kayakap mo yung taong pinakamamahal mo. Masarap sa pakiramdam.. para kang nasa langit.. halos ayoko ng matapos yung pagkakataon na yun kasi alam ko pagkatapos nun hindi na yun mauulit pa. Pang-apat, naisip ko at narealize ko na kung gaano kita kamahal. Mahal na mahal kita na halos nawawasak na ang puso ko sa sobrang sakit dahil alam ko naman na hindi habangbuhay, pwede kitang yakapin. Kung pwede lang sana na mangyari pa ‘to ng ilang beses. Kung pwede lang na ako na lang yakapin mo palagi. Pang-lima, naisip ko na kung gaano kita gustong angkinin. Sana ako na lang… sana tayo na lang… sana akin ka na lang.. sana ako na lang mahalin mo… sana ako na lang piliin mo oh? Please ako na lang. Kasi kung ako yung pipiliin mo, yayakapin kita habangbuhay at hinding hindi pakakawalan.

No comments:

Post a Comment