Saturday, May 3, 2014


Alam kong pagpapakatanga ang tanggapin ulit at mahalin ang taong iniwan ka sa kabila ng pagmamahal na binigay mo. Ganun ata talaga siguro pag nagmamahal ka, lahat kakalimutan mo para sa kanya, lahat ng sakit, lungkot na binigay niya sayo mawawala na parang walang nangyari. Lahat ng bagay sayo parang magsisimula ulit sa umpisa. Wala namang masama kung tanggapin mo ulit siya pero dapat alam mo kung ano na ang mga dapat mong gawin. Anumang oras o pagkakataon eh pwede ka ulit niyang iwan o gawin lahat ng bagay na nagawa niya noon kaya dapat maging handa ka. Wag mong ibigay lahat ng pagmamahal at tiwala mo kanya. Sa pagkakataong tanggapin mo siya ulit dapat mas matimbang na ang pagmamahal mo sa sarili mo kaysa sa kanya para hindi ka ganoong masaktan.


No comments:

Post a Comment