Sunday, May 4, 2014

Bakit nafa-fall out of love ang isang tao? -- Deejay Astibe.



1. Nagsasawa na. Nagsasawa sila kasi ganun nalang kayo palagi. 

‘Pag nagkikita kayo, magkwkwentuhan or maglalaro, or magmo-momol, or yung sweetness niyo nung una palang kayo, yun pa rin hanggang ngayon. Hindi kasi dapat ganon, dapat habang patagal ng patagal, may bago. Para ‘di nakakasawa. Para di nakakapagod. Dapat di paulit-ulit yung nangyayari.

2.Puro kayo away. 

Nakakasawa kaya ang puro away. Isipin mo, maliit na away, papalikihin, magsusumbatan, tapos magbabati. Tapos kinabukasan mag-aaway kayo ulit, tapos iissue mo ulit yung mga nasettle niyo na sa mga nakaraang away niyo. Wag ganon. Past is past, kapag nasettle na, tama na. Nakakapagod nga kasi yung paulit-ulit diba?

3.May bago na. 


May mga tao talagang hindi nakukuntento, kaya nakakapaghanap ng iba. Minsan pala rin, pinaglalaruan lang talaga kayo ng tadhana. Ganon.

4.Narealize niyang pangit pala ugali mo. 


Habang patagal kayo ng patagal, palalim ng palalim yung pagkakakilala niya sa’yo. Narealize niyang hindi niya pala kaya pakisamahan ang isang katulad mo.

5.Nawalan siya ng tiwala sayo. 


Nasaktan mo siya, siguro. Ng paulit-ulit hanggang sa nagsawa nalang ang puso niyang masaktan at umiyak. Nagsawa na siyang habulin ka.

6.Hindi mo siya naappreciate. 


Lahat ng efforts niya, kapag nag-away na kayo lahat nauuwi sa wala. Nakakawalang gana yung ganon. Nag-effort ng matinde, nasira ng dahil sa sobrang liit na bagay?

7.Mahal niya pa pala ang ex/bestfriend niya. 


Sa sobrang tinagal niyo, narealize niya biglang hindi pala ikaw talaga ang gusto niya. Naging way ka lang para marealize ang mga bagay-bagay.

8.Hindi lang talaga kayo meant to be. 


Binigay lang kayo sa isa’t-isa para matuto, hindi para maging kayo hanggang huli. Nakakalungkot mang isipin, meron talagang mga taong akala mo kayo na, yun pala dadaan lang siya’t sasaktan at papatatagin ka.

Pero tandaan mo, hindi ganun kadaling mafall out of love sa isang tao. Kaya mo pa pabalikin yan sa’yo. Do your best. Babalik yan kung mahal mo talaga siya at mahal ka talaga niya at kung kayo talaga ang para sa isa't isa. =))

No comments:

Post a Comment