Ayoko ng matapos yung mga oras at araw na kasama kita. Pakiramdam ko malayo ako sa gulo, sa problema, sa lungkot at mga pagsubok sa buhay. Masasabi kong ikaw yung nagsisilbing breaktime ng buhay ko. Breaktime mula sa mga hindi magagandang pangyayari at mga pwede pang-mangyari. Salamat kasi sa tuwing kasama kita hindi ka pumapalya na pasayahin ako. Hindi ka rin pumapalpak na pagaanin yung loob ko. Sa bawat yakap, paghawak sa kamay ko, sa mga matatamis na ngiti mula sa mga labi mo, mga matang nakaka-engganyo at mga halik na hinding hindi ko makakalimutan, nagkakaroon muli ako ng lakas ng loob na harapin ang lahat ng pagsubok sa buhay. Para sa lalaking mahal na mahal ko, maraming salamat. Alam ko sasabihin mo na naman sa akin na hindi na ko dapat magpasalamat sayo, kesyo ginagawa mo naman yun dahil rin naman sa pagmamahal mo sakin.. pero gusto ko pa rin magpasalamat. Hindi kasi ako magiging mas masaya kung wala ka
No comments:
Post a Comment