Thursday, May 1, 2014
Napakahirap sa pakiramdam yung sa isang iglap bigla nalang magbabago lahat. Hindi na tulad ng dati. Yung pakiramdam na iba na yung kilos niya. Yung alam na alam mong nagpapanggap nalang siya at di na bukal sa loob yung mga ginagawa niya. Parang hindi na siya yung taong minahal mo. Yung para bang ibang tao na yung kausap mo. Yung pakiramdam na parang pinipilit mo nalang yung sarili mo sa kanya. Yung pakiramdam na napipilitan nalang siya pakisamahan ka. Ang sakit. Ang sakit lang maramdaman na unti unti na siyang nawawala sayo. Di ka man lang makalaban, di mo man lang siya mapigilan. Hindi mo man alam kung ano problema, kung nag kulang ka ba. Nag sawa na ba siya? Basta ang alam mo lang kasabay ng dahan dahang paglayo ng loob niya sayo ay dahan dahang din pag durog ng puso mo.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment