.. sa tuwing nakikita kong may kasama kang iba.
.. sa tuwing nakakalimutan mo ako.
.. sa tuwing mas pinipili mo sila.
.. sa tuwing pakiramdam ko balewala na lang ako sayo.
.. sa tuwing pinapakita mo sa akin na nagbago ka na.
.. sa tuwing nakikita kong nagmamahal ka ng iba.
.. sa tuwing nakakalimutan mo ako.
.. sa tuwing mas pinipili mo sila.
.. sa tuwing pakiramdam ko balewala na lang ako sayo.
.. sa tuwing pinapakita mo sa akin na nagbago ka na.
.. sa tuwing nakikita kong nagmamahal ka ng iba.
Hindi mo alam kasi wala kang pakialam. Ano nga ba sayo kung umiiyak ako gabi-gabi? Kung madalas ikaw yung dahilan kung bakit ako malungkot. Kung bakit napapadalas yung pagpupuyat ko. Sino ba naman ako sayo? Ni hindi mo nga ako napapansin eh. Ni hindi mo na-aappreciate yung presence ko… yung mga efforts ko at maging yung mga sakripisyo ko para lang mapatunayan kung gaano kita kamahal at kung gaano ko kagustong mahalin mo rin ako pabalik. Asa nga naman ako na magiging concern ka sakin at sa feelings ko para sayo.
Hindi mo alam kasi may mahal ka ng iba. Nasa kanya na lahat ng atensyon mo.. pag-aalaga at pagmamahal. Paano mo pa nga mapapansin ang isang kagaya ko? Hinding-hindi mo na malalaman na may isang tao na nasasaktan sa tuwing sweet kayo… sa tuwing masaya kayo.. sa tuwing magkasama kayo. Oo, halos sobrang nasasaktan na ako sa tuwing nakikita kitang nagmamahal ng iba. Bakit kailangan kong masaktan ng sobra? Hanggang kailan ko titiisin ito? Hanggang kailan pa ba? Nakakapagod na.
Hindi mo alam kasi tumigil na akong ipakita sayo na mahal kita. Akala mo siguro hindi na ako naapektuhan. Akala mo siguro okay na ako.. okay na sa akin ang lahat. Akala mo siguro hindi na ako masasaktan. Yun lang. Porket tumigil na ako na ipakita sayong mahal kita, iniisip mo na agad na naka-move on na ako. Kaso mali ka. Tumigil na lang ako na ipakita sayo kasi wala naman akong napapala. Nagmumukha lang akong tanga. Tumigil ako kasi akala ko kapag nangyari yun hindi na ako masasaktan. Nagkamali rin pala ako. Mas masakit pala ngayon.
No comments:
Post a Comment