> Madrama ako.Lahat nalang ng bagay, ginagawa kong big deal. Lahat nalang, iniiyakan ko. Mababaw ako. Mabilis akong maiyak, at mabilis din ako matawa. Isang drama na movie lang, asahan mo, iiyak na agad ako. Isang joke lang kahit corny, tawang tawa na agad ako. Yung blog ko, twitter ko at facebook profile ko eh punong puno ng kadramahan. Lahat ng kadramahan sinalo ko. Ako kasi yung taong naniniwala sa forever, ako yung taong umaasang balang araw, dadating yung prince charming ko. Kaya sa mga oras na nabibigo ako, asahan mo. Yung mga gm ko at mga posts ko, umaapaw sa kadramahan.
> Moody ako. Mabilis akong magbago ng mood. Kung ngayon tawa ako ng tawa, sa isang iglap, badtrip na ako. Masasanay ka din. Ako kasi yung taong mabilis maapektuhan sa mga pangyayari. OA ako. Oo. Ayoko kasi ng nababasag yung trip ko. Ayokong nakakakita ng mga taong nakakaasar.
> Mabilis akong magalit. Pero mabilis din akong suyuin. Kung gaano ako kabilis magalit, ganun din ako kabilis magpatawad. Kung galit man ako ngayon, asahan mo maya maya lang, wala na yon. Hindi naman ako mapagtanim ng galit. Okay na sakin yung isang sorry lang. Basta alam kong seryoso ka sa paghingi mo ng tawad.
> Hindi ako maarte. Kumakain ako sa turo turo. Umiinom ako ng gulaman. Sanay ako sa mahaba habang lakaran. Di ako namimili ng kaibigan. Hindi ako maselan sa kung ano anong bagay. Hindi ako ganun kaarte sa mga gamit ko. Basta gumagana at ayos pa, okay lang yun sakin. Hindi ako ganon maghangad. Marunong akong makuntento at magpahalaga.
> Boyish ako. Hindi ako naglalagay ng kung ano anong kolorete sa muka. Minsan lang ako mag ayos. Naiilang ako magsuot ng bestida, hindi ako sanay sa mataas na takong. Sanay ako sa mga larong panglalaki. Hindi ako lumaki sa manika o kung ano ano pang kaartehan sa buhay.
> Hindi ako perpekto. Wala namang perpekto diba? At proud ako dun. Hindi ako kagandahan, hindi ganun kaganda yung katawan ko, madami akong insecurities sa buhay.. Pero masaya ako. Masaya ako sa kung anong meron ako at kung ano ako ngayon. Maaring oo, hindi ako gusto ng ibang tao. Pero ano namang pakielam ko sakanila? Eto ako. Nagpapakatotoo lang naman ako.
No comments:
Post a Comment